Arestado ang 3 miyembro ng sindikato na gumagamit ng pangalan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno para makapangikil.
Ayon kay Senior Superintendent Wilson Asueta, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), pangalan nina Special Assistant to the President Bong Go at Philippine Army Commanding General Lt. General Joselito Bautista ang ilan sa mga ginagamit ng grupo sa kanilang modus.
Target ng mga ito ang mga indibiduwal o grupo na may ongoing transaction sa isang ahensya ng gobyerno at hihingan ng 50,000 para mapabilis umano ang nasabing transaksyon.
Naaresto sa mismong bahay nila sa barangay Manggahan Rodriguez Rizal ang mga miyembro ng sindikato na kinilalang sina Henry Halaghay, ang lider ng grupo, Antonio Cerbito at Rogem Montesa, na researcher at caller ng sindikato.
Nakumpiska mula sa kanila ang mga baril, samu’t saring mga ID at notebook na may listahan ng mga numero ng mga ahensya ng gobyerno.
Kasong syndicated estafa, robbery extortion at pagalabasa sa Republic Act 10591 ang isasampa sa mga suspek.
3 miyembro ng sindikatong gumagamit sa pangalan ni Sec. Bong Go at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno para makapangikil, arestado sa Rizal @dwiz882pic.twitter.com/RrtjM7Rltc
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 9, 2018
—-