Nakapagtala na ng unang kaso ng Monkeypox virus ang Singapore at South Korea.
Ayon sa World Health Organization (WHO), dalawang kaso ng nasabing virus ay naitala sa South Korea habang isa naman ang naitala sa Singapore.
Sa pahayag ng Health Ministry ng South Korea, inoobserbahan na sa Incheon Medical Center ang mga nagpositibo na kasalukuyang isinasailalim sa diagnostic tests.
Samantala, sinabi naman ng National Centre for Infectious Diseases sa Singapore na nasa stable condition na ang nagpositibong indibidwal habang isinasailalim narin sa 21 days quarantine ang 13 indibidwal na naging close contacts nito.