Dapat na mapanatili ng bansang Singapore ang kanilang status bilang global business hub.
Ayon iyan kay Singaporean Prime Minister Lee Haien Loong sa kabila na ang nasabing bansa ay patuloy na naghihigpit sa kanilang foreign worker policies at pagtugon sa anxieties sa mga lokal na kompetisyon sa mga trabaho.
Matagal nang mainit na usapin ang foreign labor sa bansa pero ang mga hindi kasiguraduhang kaganapan dala ng COVID-19 pandemic ay nagpataas pa sa agam-agam ng local employment doon.
Ayon pa sa Punong Ministro, malinaw na gusto ng bansa ang manatiling bukas para mapanatili ang hanap-buhay sa pang-araw-araw.
Habang nanatili ang paghihigpit ng bansa sa foreign workers policies, dahan-dahan naman itong ipinatutupad para hindi mapilay ang mga negosyo doon ayon pa kay Lee.
Nitong linggo, nakapagtala ang Singapore ng 80% fully vaccinated kontra COVID-19 sa kanilang populasyon.—sa panulat ni Rex Espiritu