Ipinag-utos na ng pamahalaan ng Singapore ang pagsasailalim sa 14-day self-isolation ng lahat ng mga papasok sa kanilang bansa.
Ito ay bahagi ng kanilang ipinatutupad na mas mahigpit na hakbang para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Singapore.
Ayon sa Health Ministry ng Singapore, magpapalabas sila ng 14 day stay home notice sa lahat ng mga may travel history sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Japan, Switzerland At Great Britain.
Pinayuhan din ng singaporean health ministry ang lahat ng mga singporeans na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa ibang bansa sa loob ng tatlumpung araw kung hindi naman anila ganoon kahalaga.
Samantala, lahat naman ng mga short term visitors na mula sa mga bansa sa ASEAN ay kinakailangang magsumite ng impormasyon hinggil sa kanilang kalusugan sa tanggapan ng Singapore overseas mission sa pinanggalingang bansa bago ang bumiyahe.