Inanunsyo ng gobyerno ng Singapore na magpapatupad na sila ng carbon tax sa susunod na taon.
Ayon kay Finance Minister Heng Swee Keat, ipapataw ang nasabing buwis sa mga kumpanyang maglalabas ng higit sa 25,000 toneladang greenhouse gas emissions kada taon.
Paliwanag ni Keat, ang hakbang na ito ay upang mas lalong mapaigting pa ang kampanya para labanan ang climate change kung saan nagbabago ang klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa daigdig.
Dahil dito ay inaasahan nilang mahihikayat ang mga kumpanya na limitahan ang paglalabas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gas na may negatibong epekto sa mundo.
—-