Kinumpirma na ng Singapore ang kauna-unahang lokal na kaso ng Monkeypox virus sa kanilang bansa.
Ayon sa Singapore Health Ministry, isang 45 anyos na Malaysian National ang unang kaso na nagpositibo nitong Miyerkules.
Tatlong close contact naman ng lalaki ang natukoy na agad isinailailalim sa quarantine ng 21 araw.
Ang mga sintomas na naramdaman ng lalaki ay pagkasugat ng balat, pagkapagod, pamamaga at pananakit ng lalamunan at lagnat.