Pinag-iingat ng pamahalaan ng Singapore ang lahat ng kanilang mga mamamayan na pagtungo sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng tumataas na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni Philippine Counsul General Bernie Candolada na walang ipinalalabas na travel ban ang Singaporean Government sa Pilipinas.
Ayon kay Candolada, tanging paalala lamang aniya sa mga Singaporean na mag-ingat sa pagbiyahe sa Pilipinas para maiwasang ma-exposed sa banta ng COVID-19.
Dagdag ni Candolada, sasailalim namas sa mahigpit na pagsusuri ang mga biyaherong magtutungo ng Singapore at manggagaling sa mga bansang apektado ng COVID-19 para makita kung may mga sintomas.
Pinaalalahanan din ng Philippine Embassy ang mga domestic worker sa Singapore na maging mas maingat sa paglabas tuwing day off nila.