Pinalawig pa ng Singapore ang short-stay visa sa kanilang bansa ng dating pangulo ng Sri Lanka na si Gotabaya Rajapaksa.
Ayon sa ulat, papayagan pang manatili sa Rajapaksa sa Singapore hanggang Agosto 11.
Wala pa namang pahayag dito ang immigration and checkpoints authority ng Singapore.
Noong July 13, umalis si Rajapaksa sa Sri Lanka matapos magprotesta ang mga mamamayan sa kaniyang mismong tahanan dahil sa nararanasang krisis doon.
Itinanggi rin ng Cabinet Spokesperson ng Sri Lanka na si Bandula Gunawardena na nagtatago si Rajapaksa sa Singapore.