Tutulong ang Singapore na maresolba ang problema sa trapiko ng Pilipinas.
Kasunod na rin ito nang nilagsaang Memorandum Of Understanding nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Singapore Cooperation Enterprise Coo Kong Wy Mun.
Nakasaad sa MOU ang pagbabahagi ng Singapore ng kanilang karanasan hinggil sa traffic and transport management kabilang na ang kanilang ITS o Intelligent Transport System.
Magtutulungan din ang dalawang bansa sa pag aaral at pagsasaayos ng mga panuntunan kaugnay sa daloy ng trapiko, pangangasiwa ng traffic congestion, pagkakaruon ng mas istriktong traffic surveillance at enforcement gayundin ang incident management systems.
Nagpasalamat naman si Tugade sa Singapore dahil sa pagdadala sa bansa ng traffic and transport management expertise nito para masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
By: Judith Larino
SMW: RPE