Arestado ang isang Singaporean national na nahaharap sa kasong illegal recruitment at estafa sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group.
Kinilala ang suspek na si Arvindt Arasu, 27-anyos na Singaporean national at may lahing Indian at nadakip sa inuupahan nitong bahat sa barangay San Jose, Antipolo City.
Ayon kay CIDG Anti-Transnational Crime Unit Head Superintendent Roque Merdegia Jr., inaresto si Arasu matapos na ireklamo ng pito katao na hiningan nito ng karagdagang bayad para sa iproseso umano ang aplikasyon ng mga biktima sa ilang mga trabaho sa Singapore.
Dagdag ni Merdegia, tinatayang nasa 100 mga Filipino na mula sa Metro Manila, Rizal, Isabela at Mountain Province ang nabiktima ng suspek.
—-