Nakahanda nang bumaba sa pwesto sa mga susunod na taon si Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.
Ayon kay Lee, posible siyang magpatawag ng eleksyon bago ang taong 2021.
Gayunman, nais ng Singaporean Prime Minister na ihanda ang sinumang papalit sa kanya sa pwesto.
Kabilang sa mga umano’y posibleng pumalit kay Lee ang former army chief na si Chan Chun Sing at ang finance minister na si Heng Swee Keat.
Si Lee ay anak ng founding father ng Singapore na si Lee Kuan Yew.