Pumanaw na ang singer na si April Boy Regino sa edad na 51.
Ito ang kinumpirma ng kapatid ni April Boy na si Vingo Regino.
Sa facebook post ni Vingo, kanyang sinabi na malungkot ang araw na ito dahil wala na ang kanyang kapatid na si April Boy.
2009 nang ma-diagnose si April Boy ng pagkakaroon ng prostate cancer habang naninirahan sa Amerika.
2013 naman nang i-anunsyo ng singer na cancer free na siya matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa sakit.
Gayunman 2015 nang ibahagi naman ng singer na nawalan siya ng paningin dahil sa diabetic retinopathy o pagkabulag dahil sa diabetes.
Ilan sa mga nakilalang awitin ni April Boy ang ‘Di Ko Kayang Tanggapin, Umiiyak Ang Puso, Kahapong Nagdaan at Paano Ang Puso’.