Inihayag ni Film Development Council of the Philippines Chairperson at CEO Liza Diño na ipinagmamalaki niya ang kanyang asawa na si Ice Seguerra matapos itong mag-perform sa harap ng mga Bakwit sa North Cotabato.
Ayon kay Diño, proud na proud siya sa kanyang kabiyak dahil hindi nito nakakalimutang tumulong at maglaan ng ilang araw sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Buhay na buhay aniya si Seguerra kapag nakakatulong sa ating mga kababayan na nabiktima ng sakuna.