Didistansya muna sa social media ang singer na si Kyla.
Kuwento ng singer, pansamantala siyang nag-delete ng kanyang Instagram at Facebook accounts dahil sa naranasan niyang anxiety.
Aminado naman si Kyla na hindi niya kayang tumagal nang walang internet o social media lalo pa’t nakatutulong ito para manatiling connected sa mga kaibigan at pamilya.