Pumanaw na ang Grammy-winning R&B singer at songwriter na si James Ingram.
Ayon sa ulat, binawian ng buhay si Ingram sa edad na animnapu’t anim (66) dahil sa sakit na brain cancer.
Dekada otsenta nang sumikat ang mga kanta ni Ingram kabilang ang duet nito kasama si Patti Austin na “Baby Come to Me”.
Hindi rin makakalimutan ang kanyang mga sikat na kanta na “Just Once” at “Whatever We Imagine”.
Si Ingram ay labindalawang beses ding nanomina sa Grammy’s.
—-