Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang MANILA ELECTRIC COMPANY (MERALCO) ngayong buwan.
Bunsod ito ng mababang singil sa kuryente ng mga supplier o generation charge at bumaba rin ang halaga ng kuryente sa wholesale electricity spot market.
Maliban dito, nabawasan din ang pangangailangan sa kuryente ng mga konsyumer dahil nagsimula na ang tag-ulan.
Ayon sa MERALCO, 0.72¢ kada kilowatt hour ang matatapyas sa bayarin sa July billing ng mga costumer nito.
Dahil dito, mababawasan ng ₱144 ang ibinabayad sa kuryente ng mga residential customer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan;
Habang ₱360 naman ang matatapyas sa bill ng mga nakakakonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.