Bababa ang singil ng Meralco ngayong buwan ng 11 pesos 80 centavos per kilowatt hour o katumbas ng 24 pesos tapyas sa bill para sa mga kabahayang may buwanang konsumo na 200 kilowatt per hour.
Mula sa 11 pesos 43 centavos per kilowatt hour noong Marso, magiging 11 pesos 31 centavos per kilowatt hour na ang singil ng meralco sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, bumaba ang generation charge ng 6 pesos per kwh ngayong buwan sa kabila ng pagdagdag ng 20 sentimos na singil para sa unang installment ng deferred generation cost na hindi siningil noong marso.
Kinausap din ng nasabing power distributor ang Energy Regulatory Commission (ERC) at suppliers nito noong Marso para ipagpaliban ang paniningil ng 1.1 billion peso generation charge at gawing installment ito upang mapagaan sa bulsa ng mga consumers.
Malaki rin ang naging epekto ng pagbaba ng presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market at ng presyo mula sa power supply agreements ng Meralco upang maibsan ang epekto ng deferred generation charges.