Namemeligro na namang tumaas ang singil ng MERALCO ngayong buwan.
Ito, ayon kay MERALCO spokesman Joe Zaldarriaga, ay dahil tapos na ang isa sa apat na refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission.
Bukod sa P.47 centavo per kilowatt hour na refund ngayong Disyembre, matatapos na rin ang dalawa pang refund sa Enero at Pebrero ng susunod na taon kaya’t posible rin ang dagdag-singil sa mga nasabing buwan.
Mas lumaki pa anya ang posibilidad ng rate hike dahil sa serye ng yellow alert o pagnipis ng power reserves.
Kahapon ay muling isinailalim sa yellow alert status ang Luzon maging sa Visayas dahil sa pagpalya ng walong planta ng kuryente.