Inanunsiyo ng Manila Electricity Company (MERALCO) na bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Batay sa abiso ng MERALCO, bababa ng P0.073 ang singil sa kuryente sa kada kilowatt hour.
Katumbas ito ng bawas-singil na P15 para sa mga kumokonsumo ng 200 kada kilowatt hour kada buwan.
Habang nasa P22 naman ang tapyas sa bayarin sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour; P29 kung 400 kilowatt per hour at P36 kung 500 kilowatt per hour.