Asahan na ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong tag-init.
Ayon sa MERALCO, hindi maiiwasan na magtaas silang mga power distributor ng singil ngayong dry season dahil sa madalas na pagpalya ng ilang power plant.
Nagreresulta naman anya ito sa mas mataas na presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market kung saan ang nagmumula ang bahagi ng kanilang supply.
Dahil dito, nanawa gan ang grupong Laban Konsyumer sa gobyerno na isapubliko ang listahan ng mga plantang may scheduled at un-scheduled interruptions lalo’t bandang huli ay mga consumer ang magpapasan sa dagdag singil.