Asahan na ang mataas na singil sa kuryente sa mga susunod na buwan.
Ito ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC) ay matapos paganahin ang mas mahal na planta, kasunod ng serye ng red at yellow alert sa Luzon at Visayas Grid nuong nakaraang linggo.
Kaugnay nito, tumanggi muna si ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na sabihin kung magkano ang itataas ng singil sa kuryente, dahil patuloy pa ang pagtaya hinggil dito.
Samantala, bagamat normal na ang sitwasyon ng Luzon at Visayas grid kahapon, iniimbestigahan na ng ERC ang ilang planta, lalo na ang mga hindi ipinag-bigay alam kaagad ang pagpalya. – sa panunulat ni Charles Laureta