Magpapatupad ng P0.21 na bawas singil sa kuryente ang kumpaniyang Manila Electric Company o MERALCO simula ngayong buwan.
Kasunod ito ng pagbaba ng generation charge na aabot sa P3.92 kada kilowatt hour.
Dahil dito, P41.30 pesos ang mababawas sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatts per hour, P61.95 pesos para sa 300 kwh, P82.60 naman para sa 400 kwh at P103.25 para naman sa 500 kwh.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, Vice President for Corporate Communications at tagapagsalita ng MERALCO, ang naitalang generation charge ngayong buwan ang pinakamababa mula sa kaparehong panahon noong isang taon.
Gayunman sinabi ni Zaldarriaga na panandalian lamang ito at posibleng magbago pa ang sitwasyon sa mga susunod na buwan.
By Jaymark Dagala