Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, nasa tatlumpu’t walong (38) sentimo ang tapyas sa kada kilowatt per hour.
Dahil dito, asahan ang pitumpu’t limang pisong (P75.00) diskwento para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour, habang isandaan at labing tatlong piso (P113.00) naman ang mababawas sa bill ng mga kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour.
Para naman sa mga may konsumong nasa 400 kilowatt per hour, may aasahang isandaan at limampu’t isang pisong (P151.00) tapyas.
Matatandaang tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco noong Nobyembre.
Ito’y makaraang bumagsak ang maraming power plant noong Oktubre na nagpataas sa presyo ng kuryente sa spot market at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.