Inanunsiyo ng Manila Electricity Company (MERALCO) na bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Batay sa abiso ng MERALCO, bababa ng P 0.073 ang singil sa kuryente sa kada kilowatt hour.
Katumbas ito ng bawas-singil na P 15 para sa mga kumokonsumo ng 200 kada kilowatt hour kada buwan.
Habang nasa P22 naman ang tapyas sa bayarin sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour ; P 29 kung 400 kilowatt per hour at P 36 kung 500 kilowatt per hour .