Matatapyasan ang singil sa presyo ng kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan dahil sa mababang generation charge.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, maglalaro sa P0.53 kada kilowatt hour ang inaasahang matatapyas sa singil sa kuryente ng consumers.
Katumbas nito ang P105.00 na bawas sa buwanang singil sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan, P158.00 para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt-hour kada buwan habang P210.00 naman sa 400 kilowatt-hour kada buwan.
Ngunit ibinabala ng Meralco sa mga konsyumer ang dagdag-singil sa kuryente sa Pebrero dahil sa epekto ng mga bagong buwis tulad ng excise tax sa coal, at value-added tax sa transmission charge.