Asahan na ang mababang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Manila Electric Company (MERALCO), P0.08 ang ikakaltas nila sa singil kada kilowatt hour sa November bill dahil sa bumabang generation charge, transmission charge at maging sa buwis sa kuryente
Dahil dito, makakatipid ng P16 pesos ang mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour, P24 pesos ang 300 kilowatt hour, P32 pesos sa 400 kilowatt hour at P50 pesos sa 500 kilowatt hour.
Sinabi ng MERALCO na ang bawas singil ngayong buwan ang pinakamababang rate na naitala nito mula noong January 2010.
By Judith Larino