Inaasahang bababa ang singil sa kuryente ng Meralco sa Pebrero 2020.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsumer Inc., ito ay sa bisa ng 6 na power supply agreement na inihain ng Meralco.
Halos P0.40 kada kilowatt hour umano ang matitipid ng mga konsumer.
Gayunman sinabi ni Dimagiba na depende pa rin sa Meralco ang ibibigay na bawas singil sa kuryente.