Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na gamitin ang Malampaya Fund para mabawasan ang singil sa kuryente.
Kasunod ito ng nagbabadyang taas – singil sa kuryente ngayong panahon ng tag- init dahil sa dagdag sa presyo ng coal na karaniwang ginagamit ng mga planta ng kuryente.
Ayon kay Gatchalian, hanggang 35 sentimo kada kilowatt hour ang maaaring matipid sa kuryente kung gagamitin ang Malampaya Fund.
Una nang inanunsiyo ng MERALCO na tataas ng 85 sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente para sa march billing ng mga konsumer nito.