Muli na namang magtataas ng singil sa kuryente ang Meralco ngayong Oktubre.
Batay sa anunsyo ng Meralco, point zero three (.03) kada kilowatt hour ang itataas ng kanilang singil.
Mangangahulugan ito ng anim na pisong (P6.00) dagdag sa mga kumokonsumo ng 200-kilowatt hour kada buwan, siyam na piso (P9.00) para sa kumokonsumo ng 300-kilowatt hour, dose pesos (P12.00) sa 400-kilowatt hour at kinse pesos (P15.00) para sa komokonsumo ng 500-kilowatt hour.
Ang pagtaas ay bunga umano ng mas mataas na presyo ng kuryente mula sa power producers o yung tinatawag na generation charge.