Ipinahiwatig ng Manila Electric Company (MERALCO) ang posibleng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, maaaring magkaroon ng paggalaw sa billing ngayong buwan dahil sa posibleng pagtaas ng generation charge bunsod na rin ng madalas na pag-yellow alert o pagnipis ng suplay ng kuryente noong Hunyo.
Dagdag pa ni Zaldarriaga, dapat munang hintayin ang lahat ng billing mula sa kanilang mga supplier lalo’t hindi lang base sa generation charge ang suma-tutal na isinisingil nila.
By Meann Tanbio