Nakaambang tumaas ang singil sa kuryente kapag tuluyan naging batas ang ipinasang Tax Reform Bill sa Senado.
Ayon sa Department of Energy o DOE at Energy Regulation Commission o ERC, dahil sa ilalim ng naturang panukala ay magkakaroon ng dagdag na ipapataw na buwis sa coal at direkta itong ipapasan ng mga karaniwang konsyumer at electric industry.
Nagmumula ang kuryenteng kinukuha ng mga kooperatiba sa coal-fired power plants.
Sa oras na maging epektibo na ang naturang panukala, sa susunod na taon ay magiging P100 hanggang P300 na ang buwis na ipapataw sa coal kada metriko tonelada na mula sa kasalukuyang P10 lamang na maaaring magdulot ng dagdag singil sa kuryente.
Samantala, batay sa abiso ng Manila Electric Company o MERALCO, dahil sa itinakda nilang maintenance o pagsasaayos ay mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Maynila, Rizal at Batangas ngayong araw.
—-