Nagbabadya na namang tumaas ang singil sa kuryente sa mga susunod na linggo.
Ito’y kung pagbibigyan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hiling na dagdag ng mga planta ng San Miguel na isa sa suppliers ng Meralco, dahil sa pagtaas ng presyo ng panggatong na coal at natural gas.
Ayon sa San Miguel Corporation, $65 per metric tons lang ang presyo ng coal na nakasaad sa kanilang kontrata subalit lumobo na ito sa mahigit $400 per metric ton.
Mahigit P10 Bilyong na umano ang lugi ng San Miguel pero P5.2 Billion lamang ang kanilang gustong mabawi mula Enero hanggang Mayo o katumbas ng dagdag-singil na 28 centavos per kilowatt hour sa loob ng anim na buwan.
Tiniyak naman ni ERC commissioner Rexie Baldo-Digal na kanilang babalansehin ang interes ng negosyo at kapakanan ng mga consumer na sasalo ng dagdag-singil.
Samantala, iginiit ni Power 4-People Coalition convenor Gerry Arances na kung hindi masusunod ang kontrata ay maaaring magkaroon ulit ng bidding process at kung hindi kaya ng San Miguel.