Bababa ng labing tatlong sentimos (P0.13) kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o Meralco ngayong buwan ng Hunyo.
Ito ang inanunsyo ng Meralco bunsod na rin ng pagbaba sa presyo ng generation at transmission charges.
Ayon sa Meralco, aabot sa dalawampu’t limang piso (P25) ang kaltas sa billing ng mga komokunsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan, tatlumpu’t pitong piso (P37) sa may 300 kilowatt hour habang limampung piso (P50) sa mga komokonsumo ng hanggang 400 kilowatt hour.
Paliwanag naman ng Meralco, mas malaki pa sana ang aasahang pagbaba sa kanilang singil kung walang fit-all o feed in tariff allowance na pitumpong sentimos (P0.70).
Ang fit all ay ang buwis na binabayaran para sa mga pinagkukunan ng energy renewable sources.
Samantala, posible naman magkaroon ng taas-singil sa kuryente ang Meralco sa susunod na buwan bunsod naman ng epekto ng sunod-sunod na yellow alert status.
—-