Nagbabadya na namang tumaas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o MERALCO ngayong Nobyembre.
Ito’y makaraang bumagsak ang maraming power plant noong Oktubre na nagpataas sa presyo ng kuryente sa spot market at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.
Bagaman maaaring tumaas ang generation cost, inihayag ng MERALCO na hindi naman gaanong malaki ang inaasahang dagdag-singil sa kuryente.
Sa Huwebes, Nobyembre 9 i-aanunsiyo ng naturang power distributor ang aktuwal na dagdag sa generation charge at iba pang charges para sa November bill.
—-