Nagbabala ang Manila Electric Company (MERALCO) sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa susunod na buwan.
Matapos ito na maglabas ang court of appeals ng Temporary Restraining Order (TRO), na nagsususpinde sa Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng MERALCO at South Premier Power Corporation.
Iginiit ni MERALCO Senior Vice President for Communications at Spokesperson Joe Zaldarriaga, ni-rereview pa nila ang inilabas na tro ng appellate court sa pakikipag-ugnayan sa kanilang legal team.
Umaasa naman si Zaldarriaga na gagawa ng aksyon ang Department of Energy (DOE), para sa hirit nilang exemption sa competitive selection process sa ilang power generators sa ilalim ng Emergency Power Supply Agreement (EPSA).
Samantala, sinabi ng tagapagsalita na prayoridad nila sa ngayon ang tiyakin na sapat ang suplay ng kuryente para sa kanilang mga consumer, kasabay ng pagtiyak na mananatiling abot kaya ang ipatutupad nilang taas-singil.