Bababa ang singil sa kuryente sa buwang ito.
Ito na ang ika-apat na sunod na buwang magbabayad ng mas mababang singil sa kuryente ang halos pitong milyong customers ng Meralco.
Ayon sa Meralco , ang .4176 kada kilowatt hour na bawas sa singil sa kuryente ay katumbas ng halos 84 pesos sa 200 kilowatt hour na kabuuang konsumo bawat buwan.
Sinabi ng Meralco na mula noong buwan ng Mayo nasa halos piso na kada kilowatt hour ang nabawas sa singil sa kuryente.
Ipinabatid ng Meralco na bumaba ang rate ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kaya’t bumaba rin ang generation charge.
Binigyang diin ng Meralco na wala pang idineklarang red alert status sa buwang ito kumpara sa yellow alert status na idineklara sa unang bahagi ng Hulyo.