Posibleng bumaba muli ang singil ng Manila Electric Company (MERALCO), ngayong buwan bunsod ng mababang generation charge.
Ayon kay MERALCO Spokesman, Joe Zaldarriaga, kapwa stable ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market at peso-dollar exchange rate para sa December supply month.
Inihayag naman ng Philippine Electricity Market Corporation na inasahan na nila ang patuloy na pagbaba ng presyo ng kuryente sa WESM simula noong Disyembre hanggang Pebrero dahil sa mababang demand bunsod ng malamig na panahon.
Samantala, namumuro ring bumaba ang power cost na ibinebenta sa ilalim ng power supply agreements.
By Drew Nacino