Kasunod ng ipinatupad na rollback noong Mayo, muling magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan sa gitna ng mataas na presyo ng langis.
Ayon sa Meralco, tumaas ng 39.82 centavos ang overall rate ng isang typical household kaya sumampa sa P10.46 ang per kilowatt-hour mula sa P10.30 per kilowatt-hour noong nakaraang buwan.
Dahil dito, nasa 80 pesos ang madadagdag sa total bill ng mga konsyumer na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour, 119 pesos sa 300 kilowatt-hour, 159 pesos sa 400 kilowatt-hour at 199 pesos para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt-hour.