Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong Pebrero at Marso.
Ayon sa MERALCO, ang taas-singil sa kuryente ngayong buwan ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Gayunman, wala pang kumpirmasyon kung magkano ang ipapataw na dagdag singil ng MERALCO.
Samantala, ang power rate increase naman na mararanasan sa buwan ng Marso ay epekto naman ng maintenance shutdown ng Malampaya Gas Facility na nagsimula noong Enero 28 at tatagal hanggang Pebrero 18.
Dahil dito, pinayuhan ng MERALCO ang publiko na magtipid sa kuryente.
By Ralph Obina