Posibleng bumaba ang singil ng kuryente ng Meralco ngayong Agosto.
Ito ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga dahil aniya sa pagmura ng presyo ng kuryente sa spot market, paghina ng demand at maayos na reserbang kuryente.
Naka apekto rin umano sa bawas singil ng kuryente ang paglakas ng piso kontra dolyar.
Kaugnay din ng paglakas ng piso, posible ring bumababa sa susunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo.