Pansamantalang ipatitigil ng Energy Regulatory Commission (ERC. ang koleksyon ng feed-in-tariff sa electricity bill upang maka-agapay sa mga consumer sa gitna ng nagbabadyang pagtaas ng singil sa kuryente.
Ang FIT, na hindi pa aabot ng 4 centavos per kilowatt hour, ay bahagi ng electricity bill na napupunta sa mga plantang gumagamit ng renewable energy sources, kaya’t kung ititigil ang koleksyon nito ay maaaring magmura ang singil.
Inihayag ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na pagsapit ng Pebrero ay kanilang pag-aaralan kung maaaring palawigin ang suspensiyon ng koleksiyon ng FIT.
Una nang sinabi ng ahensya na balak nitong alisin ang ilang charge sa electricity bill dahil sa posibleng pagmahal ng kuryente sa susunod na taon.
Maliban dito, naghahanap pa ang ERC ng ibang paraan upang mabawasan ang singil, gaya ng pagrepaso ng ipinapasang fuel cost sa customers at pagbaba ng transmission rate ng National Grid Corporation of the Philippines.