Napipintong tumaas ang singil sa kuryente matapos ideklara ng Korte Suprema na null and void ang kautusan ng ERC hinggil sa regulated power rates sa wholesale electricity spot market (WESM) noong November at December 2013.
Ayon sa High Tribunal, ang kautusan ng ERC na pumipigil sa 2013 Luzon Rates ay ibinatay sa tinatawag na unfinished investigation at ang rates sa nasabing panahon ay hindi reasonable, walang rationale at hindi competitive dahil sa influence of factors.
Dahil dito, inatasan ng Korte Suprema ang ERC para utusan ang Philippine Electricity Market Corporation, operator ng WESM na mag recalculate ng kanilang rates.
Una nang inihain sa Korte Suprema ang mga petisyon sa umano’y pag apruba ng ERC sa kahilingan ng Meralco nang pag kolekta ng automatic rate adjustments mula sa generation cost noong November 2013.