Pinaghahanda ng Meralco ang mga consumers sa mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong Marso.
Napuna ng Meralco ang tumataas na konsumo sa kuryente ng mga kabahayan dahil sa umiinit nang temperatura.
Ayon sa Meralco, natural lamang na tataas ang bayarin kung mataas rin ang konsumo.
Hindi pa anila kasama sa dito ang paggalaw ng presyo ng kuryente na binibili nila sa mga planta.