Magkakaroon ng ‘minimal’ o bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan.
Ito’y ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, dahil sa pagsirit ng presyo ng kuryente sa spot market.
Paliwanag pa ni Spokesman Zaldarriaga, 20% ng kanilang supply para sa buwan ng Disyembre ay mula sa spot market.
Samantala, inaasahang ia-anunsyo ng Meralco ang final rate adjustment bukas, Enero 10.