Tataas ang singil ng kuryente ng Meralco ngayong buwan.
Sa anunsiyo ng Meralco, P0.304 kada kilowatt hour ang idagdag sa December bill.
Dulot ito ng pagmahal ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa serye ng yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan.
Dahil dito, asahan na ang P60.80 na dagdag sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour, P91.20 para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour at P121.60 sa mga kumokonsumo naman ng 500 kilowatt hour.