Ikinansela ng alkade ng Marikina na si Marcy Teodoro ang paniningil ng multa at tubo sa mga market stall owners na hindi makapagbayad ng renta sa kabila ng pandemya nitong linggo.
Aniya, lumapit sa kanya ang mga stall owners noong Oktubre 8 upang kanselahin ang mga multa sa kadahilan na hindi nila kaya ang halaga ng renta bunsod ng kakaunting kustomer at mababang kita.
Dahil dito, ipinag-utos ng alkalde sa konseho ng lungsod na magpatupad ng ordinansang alisin ang paniningil sa multa at tubo hinggil sa dinaranas na pandemya.–-sa panulat ni Airiam Sancho