Tataas na rin ang singil sa pagkuha ng NBI clearance.
Batay sa abiso ng Department of Justice o DOJ, ipatutupad ang dagdag singil simula Marso 12 dahil na rin sa pagtataas ng halaga ng documentary stamp tax.
Dahil dito, mula sa dating 115 pesos na singil sa pagkuha ng NBI clearance, tataas na ito sa 130 pesos.
Ang NBI clearance ay madalas na kailangan ng mga naghahanap ng trabaho at mga nais mag-abroad upang mapatunayang wala silang criminal record.
Una rito, tumaas na rin ang singil sa pagkuha ng mga dokumento sa Philippine Statistics Authority o PSA tulad ng birth, marriage at death certificates.
—-