Umaaray ang ilang residente ng lungsod ng Maynila dahil sa biglaang pagtaas ng singil sa pagkuha ng police clearance.
Mula sa orihinal na presyong P20, umakyat na ito sa tumataginting na P200 kapalit ang tatlong resibo.
Isa mula sa City Government of Manila na nagkakahalaga ng P20, P140 ang ibabayad sa software company at karagdagang P40 piso para sa kumpaniyang nagpi-print ng plastic ID.
Dahil dito, umani ng kaliwa’t kanang reaksyon mula sa mga taga-Maynila ang nasabing bagong patakaran at singilan dahil tanong nila, bakit kailangan pang kumontrata sa pribadong kumpaniya gayung maaari naman itong magawa ng pamahalaang lungsod.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)