Asahan na ng mga car owner ang mas mataas na annual vehicle registration fee.
Ito’y sa gitna ng inihahandang executive order ng Department of Finance upang itaas ang motor vehicle users charge o MVUC.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, hinihintay na nila ang mga legislated reform ng Land Transportation Office sa MVUC Law.
Alinsunod anya sa batas ay maaaring i-adjust ng Pangulo ang singil sa MVUC kada limang taon.
Ipinunto ni Chua na hindi naman tinaasan ng mga nakalipas na administrasyon ang singil simula pa noong 2004.
Hindi naman idinetalye ng opisyal kung gaano kalaki ang itataas ng motor vehicle users charge.
—-