Mananatiling patas ang singil sa pamasahe ng Grab sa gitna ng nakatakdang pag – iisa nito sa kapwa nila “ride hailing service” na Uber.
Tiniyak ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kabila ng pangamba ng publiko na magkakaroon ng monopolya sa naturang sektor, na posibleng magresulta sa mas mahal na pamasahe.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada , may otoridad sila na i – regulate ang halaga ng sinisingil sa pamasahe ng mga Transport Network Vehicle Services (TNVS).
Una nang inanunsyo ng Grab na kanilang bibilhin ang operasyon ng Uber sa Southeast Asia kung saan kabilang ang Pilipinas.